MENU

Pinangunahan ni Administrator Billy Andal ang Christmas Party ng mga kawani ng Philippine Coconut Authority na may temang “Pasko sa PCA 2016”. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mensahe ni Andal na agad na sinundan ng raffle draw. Naghanda rin ng presentation ang bawat departamento ng PCA. Nakuha ng Operations Branch ang first place dahil sa magandang konsepto nila. Nakamit naman ng Office of the Administrator ang 2nd place.

 Game na game na nag mannequin challenge ang mga boss na pinangunahan nina Admin Billy Andal, DA Roel Rosales, DA Glenn Santos, Head Executive Assistant Editha Haway at ng mga head ng bawa’t branch. Pumangatlo naman ang Administrative and Finance Branch at ang Research and Development Branch ang pang apat. Sa kabuuan ay naging masaya at makahulugan ang pagdiriwang ng okasyong nabanggit lalo na sa tinaggap na groceries ng mga empleyado.

 

 PCA CORPORATE COMMUNICATIONS GROUP

December 21, 2016